^

Metro

‘Gapos gang’ sumalakay sa Las Piñas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling sumalakay ang grupo ng ‘Gapos­ Gang’ sa isang pamilya sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Jemar D. Mode­quillo, hepe ng Las Piñas City Police ang mga biktimang sina Dennis Guevarra,  39, empleyado ng Graphic Art Magazine at DWIZ at ang misis nitong si Rosario, maging ang tatlo nilang bisita sa kanilang bahay sa Ford Avenue Greenview, Manuela IV-I, Brgy. Pamplona Real ng naturang lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon  ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-9:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa habang abala ang mga ito sa pag-eentertain sa kanilang mga bisita nang biglang may kumatok sa ka­nilang pinto at pinagbuksan naman ng mag-asawa at hinahanap ang isang nagnga­nga­lang Gerald.

Sinabi ng mga biktima na walang nakatirang Gerald kasunod nito ay hinataw ng baril sa ulo ng isa sa mga suspek si Dennis hanggang sa nawalan ito ng malay. Tuluy-tuloy nang pumasok sa bahay ang mga suspect kung saan iginapos na ng mga suspek ang misis ni Dennis na si Rosario habang ang kanilang 2-anyos na anak at ang kanilang tatlong bisita ay ikinulong  sa comfort room.

Nagsimula ng maghalughog ang mga suspek at tinangay ng mga ito ang mga mahahalagang kagamitan tulad ng laptop at mga cellphone, pera at mga alahas.

Pagkatapos nito ay mabilis na tumakas ang mga suspect. Nang balikan ng malay si Dennis ay dito niya nakita ang nakagapos na misis, anak at mga bisita at dali-dali niya itong kinalagan at nagtungo sila sa himpilan ng pulisya upang i-report ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

CITY POLICE

DENNIS GUEVARRA

FORD AVENUE GREENVIEW

GRAPHIC ART MAGAZINE

JEMAR D

LAS PI

MGA

PAMPLONA REAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with