^

Metro

Usisero patay sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang isang lalaki na nanonood lamang ng larong chess sa Fairview, lungsod Quezon, kamakalawa.

Idineklarang  dead-on-arrival sa  FEU Hospital si  Jerico Viray, 45, ng Ipil-Ipil St., Brgy. Greater Fairview, ng nasabing lungsod dahil sa tama ng  mga bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa ulat ni SPO2 Rosyl Francisco, ng QCPD Station 6, nangyari ang insidente sa may  kahabaan ng Molave St. Brgy. Greater Fairview, ganap na alas 3:30 ng hapon.

Sabi ni Jay Dadiya, magkasama silang  nanonood ng  chess ng biktima nang biglang sumulpot ang isang hindi kilalang suspek na nakasuot ng bonnet at agad na  pinaputukan ng  ilang  ulit ang  biktima sa  ulo at mukha.

Matapos ang pamamaril at inakala ng suspect na patay na ang biktima ay nagpasya itong umalis palayo saka umangkas sa isang motorsiklo na naghihintay sa hindi kalayuan mula sa lugar at humarurot palayo. Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insi­dente.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

FAIRVIEW

GREATER FAIRVIEW

IPIL-IPIL ST.

JAY DADIYA

JERICO VIRAY

MOLAVE ST. BRGY

NBSP

ROSYL FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with