^

Metro

Preso sugatan sa kakosa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang preso ang sugatan matapos pagsasaksakin ng kanyang kakosa  matapos mag-agawan sa lagare na naganap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City.

Ginagamot  sa Infirmary ng NBP ang biktimang si Edward Villanueva, miyembro ng Commando Gang,   may kasong robbery-hold-up, nagtamo ito ng dalawang saksak sa tagiliran at kanang braso buhat sa isang patalim habang inilagay sa isolation area ang suspek na si Cesar Aguilar.

 Ayon kay Monsignor Roberto Olaguer, tagapagsalita ng NBP, naganap ang insidente alas-5:00 ng hapon sa building 5 ng Maximum security compound.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-ugat ang awayan ng dalawa nang mag-agawan ang mga ito sa lagare dahil parehas na nagtatrabahong karpintero.

Sinabi ni Olaguer na nasa ligtas nang kondisyon ang biktima, ngunit posibleng dalhin pa sa Muntinlupa General Hospital upang isailaim ito sa  X-ray.

Iniimbestigahan pa ng pamunuan ng NBP ang nasabing insidente.

vuukle comment

ANG

AYON

CESAR AGUILAR

COMMANDO GANG

EDWARD VILLANUEVA

GINAGAMOT

MONSIGNOR ROBERTO OLAGUER

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA GENERAL HOSPITAL

NBSP

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with