^

Metro

Lady trader patay sa tandem

Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Pinagbabaril hang-gang sa mapatay ng riding-in-tandem ang isang baba-eng negosyante habang patungo ng palengke sa Brgy.Commonwealth,  Quez­on City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang biktima ay nakilalang si Salvadora Nachor, 62, dalaga, ng Block 2 Pilot Ave., Brgy. Common­wealth. Mabilis naman tumakas ang tandem na sakay ng isang kulay itim na motorsiklo na hindi na naplakahan.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Marlon Dela Vega,  nangyari ang insidente dakong alas 5:10 ng madaling araw sa kahabaan ng Pilot Drive Ave., kanto ng Revas St., Brgy. Commonwealth habang naglalakad ang biktima sa lugar patungo ng Commonwealth Market nang biglang huminto sa tabi nito ang kulay itim na motorsiklo kung saan  isa  ang bumaba at saka pinagbabaril ang biktima.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na pinaharurot ng suspek ang motorsiklo para tumakas.

Nabatid na nasa negos­yo ng lending ang biktima at posible umanong mani-ningil ito sa palengke nang harangin at pagbabarilin.

Samantala, patay din ang isang  babae matapos na barilin ng dalawang  hindi pa nakikilalang  holdaper nang pumalag sa bus holdap kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Makati Medical Center (MMC) si Reena Fran­chesca Cruz, 23, ng 1887 C. Al­meda St., Tondo, Manila. Nagtamo ito ng tama ng bala sa tiyan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa report  nina SPO2 Jason David at PO3 Arnis Ojastro, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) kay Police Sr. Supt. Ernesto T. Barlam, hepe ng Makati City Police, ala-12:50 ng madaling araw habang binabagtas ng Delta Transport Inc. bus na may biyaheng Na­votas-Ayala-Baclaran na may plakang UYD-134 ang South bound lane ng EDSA-Ayala Avenue, patungong Baclaran,  ng dalawang lalaki na nagpanggap na mga pasahero ang biglang nagdeklara ng holdap.

Una nilang tinutukan ang biktima na pasahero sa naturang bus, subalit pumalag ang babae kung saan tinulak nito ang isa sa mga suspek.

 Nagalit ang mga holdaper at ang isa dito ay pinutukan ang biktima at pagkatapos ay kinuha ang cellphone nito hanggang sa tuluyan nang nagsitakas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARNIS OJASTRO

AYALA AVENUE

BIKTIMA

BRGY

COMMONWEALTH MARKET

DELTA TRANSPORT INC

DRIVE AVE

ERNESTO T

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with