^

Metro

Bawas polusyon sa Makati: E-trike ipapasada na ng mga TODA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakipagkasundo si Makati City Acting Mayor Ro­mulo “Kid” Peña sa ilang transport group para masolusyunan ang problema ng pollution sa lungsod.

Nabatid na nagkaroon ng Me­morandum Of Agreement (MOA) sina  Peña, Global Mobility Service Philippines Inc. (GMS) at Tricycle Ope­rator Driver Associations of Makati City (TODA-Makati).

Sa ilalim ng kasunduan, ang naturang grupo ay  inoobligang bawasan ang air pollution at carbon emissions sa pamamagitan ng paggamit ng cloud technology at electric o environment-friendly na mga tricycles.

Sinabi ni Peña, sa pa­mamagitan ng partnership ay  maaaring mapabuti ang kapaligiran at kalidad ng hangin sa Makati.

Nabatid, na ang GMS ang magpi-finance sa mga tricycle upang makakuha ang mga ope­rator at drivers sa mababang down payment at arawang hulog na mababayaran sa loob ng tatlong taon kung saan 20 units na ang nailabas sa mga operators at drivers, at may 240 pa na dara-ting sa mga susunod na buwan.

“Sa halagang P1,370 na down­payment at P160 kada araw, ang iskemang lease to own ay tiyak na magaan at makatutulong sa mga drayber ng tricycle na matupad ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling pinapasada”, ani Peña.

Ang mga operators at dri­vers ay tuturuan din kung paanong gumamit ng global positioning system upang makatulong sa disiplina sa trapik at pagresolba ng kriminalidad.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

DRIVER ASSOCIATIONS OF MAKATI CITY

GLOBAL MOBILITY SERVICE PHILIPPINES INC

MAKATI

MAKATI CITY ACTING MAYOR RO

MGA

NABATID

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with