^

Metro

Obrero utas sa kasamahan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang pinatay sa saksak ng kanyang kasamahan nang makatanggap ng tsismis ang huli na ang kanyang misis at ang una ay may relasyon, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Dead on arrival sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Arcadio Ausa, tubong Leyte, Samar at stay-in sa Block 32, Lot 8, Jasmine St., T.S. Cruz Subdivision, Brgy. Almanza Dos ng naturang lungsod, nagtamo ito ng ilang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa isang patalim.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Eduardo Castillon, tubong IloIlo, stay-in din sa naturang lugar.

Sa report na natanggap ni  Senior Supt. Jemar Mode­quillo, hepe ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-11:15 ng gabi sa naturang lugar.

Nabatid na natutulog ang biktima nang marinig nito na tinatawag ang pangalan nya ng suspek na lasing naman sa alak.

Bumangon ang biktima at tinungo ang suspect na nagkompronta sa kanya ukol sa natanggap nitong tsismis na may relasyon ang nasawi sa misis ng suspect.

Nauwi ang pag-uusap sa mainitang pagtatalo hanggang sa binunot ng suspek ang dala nitong patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima. Mabilis na isinugod ng kanilang mga kasamahan sa pagamutan ang biktima pero hindi na umabot pang buhay habang mabilis namang tumakas ang suspect.

 

vuukle comment

ALMANZA DOS

ANG

ARCADIO AUSA

ATILDE

CITY POLICE

CRUZ SUBDIVISION

DISTRICT HOSPITAL

EDUARDO CASTILLON

JASMINE ST.

JEMAR MODE

LAS PI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with