^

Metro

2 parak, 14 pa huli sa hiwalay na drug operations

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pulis at labing-apat pang katao ang nadakip sa hiwalay na operasyon na isinagawa sa San Juan at Pasay kahapon at kamakalawa.

Kahapon inaresto ng mga operatiba ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (PNP-AIDSOTF) ang isang pulis at 14 na iba pa matapos ang serye ng raid sa 12 drug dens sa Brgy. West Crame, San Juan City.

Ayon kay PNP-AIDSOTF Spokesman Chief Inspector Roque Merdegia ang raid ay base sa inisyung search warrant ng Pasig Regional Trial Court (RTC).

Kinilala ang inarestong parak na si PO2 Ronaldo Baltazar, nakatalaga sa Headquarters Support Service ng PNP.

Sinabi ni Merdegia, nakasamsam ng mga sachets ng shabu, drug paraphernalia sa ni-raid  na drug dens.

Ayon naman kay PNP-AIDSOTF Chief P/Sr. Supt. Antonio Gardiola  ang serye ng raid ay bunga ng isang buwang ‘case build up operation’ at epektibong pakikiisa ng komunidad sa PNP upang malansag  ang operasyon ng droga sa mga barangay.

Inihayag ng opisyal na ang Brgy. West Crame ay isa sa mga barangay sa Metro Manila na apektado ng operasyon ng ilegal na droga.

Kaugnay nito, nagbabala naman si Gardiola  na ipagpapatuloy ng PNP-AIDSOTF ang pinalakas na kampanya kontra illegal  drugs at tutugusin ang mga high value target.

Samantala, sa operasyong isinagawa sa Pasay City, Kalaboso rin ang pulis.

Kinilala ang suspect na si SPO1 Jesus Pitallano-Nacis, naka­talaga sa SPDO.

Base sa report, nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis hinggil sa ilegal na aktibidades ng suspect dahilan upang ikasa nila ang operation laban dito.

Alas-4:00 ng madaling araw nang madakip ng kanyang mga kabaro ang naturang pulis sa Higgins St., Almazor, Maricaban, Pasay City.

Nakumpiska kay SPO1 Nacis  ang limang pirasong plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, isang improvised plastic tooter, 2 digital na timbangan, 1 kalibre .9mm, 1 kalibre .38 revolver, 1 airgun rifle at 2 cellular phones.

 

vuukle comment

ANG

ANTONIO GARDIOLA

AYON

BRGY

CHIEF P

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK FORCE

HEADQUARTERS SUPPORT SERVICE

HIGGINS ST.

NBSP

PASAY CITY

WEST CRAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with