^

Metro

Coffe shop ni Anthony Taberna pinaulanan ng bala

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinadtad ng bala ang bagong bukas na coffee shop ni ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna ngayong Biyernes sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa mga ulat, walong tama ng bala ng kalibre .45 ang tumama sa Ka Tunying's Cafe sa Visayas Avenue sa Quezon City kaninang madaling araw.

Narekober din sa paligid ng establisyamento ang 15 basyo ng bala.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Base sa kuha ng surveillance camera, apat na kalalakihan na sakay ng motorsiklo ang tumigil sa harap ng coffee shop ng broadcaster, dalawa dito ang gunman at dalawa ang nagmamaneho ng motor.

Naniniwala si Taberna na pananakot lamang ang motibo ng mga suspek.

"Kung ang gusto talaga nila dito ay manakit, to inflict harm on anyone, ay gagawin nila ito sa ibang araw, oras o kaya ay hanapin nila kung sino ang nandito, baka may magawa sa loob o tyempuhan nila na nandito ako," pahayag ni Taberna sa dzMM.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

 

vuukle comment

ANG

ANTHONY TABERNA

AYON

BIYERNES

KA TUNYING

NANINIWALA

NAREKOBER

PATULOY

QUEZON

QUEZON CITY

VISAYAS AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with