^

Metro

Kelot pisak sa SUV

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraang mabundol ng isang SUV habang papatawid sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 6, nakilala ang biktimang si Jun Javier, 47, may asawa ng CNH Village Extension, Bgy. Culiat sa lungsod habang ha­wak naman ng pulisya ang driver ng Toyota Innova na si Allan de Ocampo, 42, isang nurse ng Brgy. Bayumbong Nueva Viscaya.

Ayon kay PO3 Andy Sotto, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Central Ave., ha­ra­pan ng INC condominium, Bgy. Central ganap na alas-8:30 ng gabi.

Binabaybay ng Innova (ZNZ-446) ni De Ocampo ang kahabaan ng Central Avenue galing ng Commonwealth patungong Visayas Ave­nue nang pagsapit sa na­sabing lugar ay bigla na lamang­ umanong tumawid ang biktima.

Dahil sa bilis ng pangya­yari, hindi na nakaiwas pa ang Innova at nabangga ang biktima kung saan sa lakas ng pagtama ay tumilapon pa ito ng ilang metro sa kalye.

Dead on the spot sa lugar ang biktima matapos na magtamo ng pinsala sa ulo at katawan.

Samantala, nabatid sa PS-6 na nagkasundo na ang mag­kabilang panig kaugnay sa kaso kung saan sasagutin na lang umano ng driver ang gastusin ng pamilya ng biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANDY SOTTO

ANG

BAYUMBONG NUEVA VISCAYA

BGY

CENTRAL AVE

CENTRAL AVENUE

DE OCAMPO

INNOVA

JUN JAVIER

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with