^

Metro

Tricycle vs kotse: 1 dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na naman ang patay habang apat pa ang iniulat na nasugatan makaraang salpukin ang sinasakyan nilang  tricycle ng isang kotse sa kahabaan ng Don Mariano Marcos Avenue, lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Insp. Marlon Meman, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 2, ang nasawi ay kinilalang si Michael Capatian, 39, binata, driver ng tricycle at residente ng Brgy. Paltok sa lungsod. Habang ang mga sugatan naman ay sina Adelita Capatian, 63; Mary Ann Ra­bino, 30; Bladimir Rabino, 13; at Tj Sam Capatian, 9.

Ayon kay  Senior Insp. Meman, si Capatian ay nagawa pang maisugod sa ospital, su­balit makalipas ng ilang oras ay binawian din ng buhay.

Ang driver ng Mitsubishi Lancer (BCJ-112) na si Josemelito Panguirigan, 27, binata ng Casa Milan Subdivision, Fairview, sa lungsod ay nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rabindranath Sierra, may-ha­wak ng kaso, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Don Mariano Avenue, harap ng Mitsubishi Motors sa Brgy. North Fairview, ganap na alas-10 ng gabi.

Sinasabing tinatahak ng kotse at tricycle na sakay ang mga biktima ang nasabing lugar galing sa Commonwealth Ave­nue patungong Mindanao Ave­nue Extension nang pagsapit sa nasabing lugar ay binundol ng una ang huli.

Sa lakas ng pagkakabundol, tumalsik ng ilang metro ang tricycle sanhi upang magtamo ng matinding injuries sa katawan ang mga biktima.

Agad na dumating ang mga rescue team at isinugod si Michael sa Commonwealth Medical Center, habang ang sugatang mga biktima naman ay sa East Avenue Medical Center para magamot.

Pero makalipas ang alas- 5:44 ng madaling araw ay bi­nawian din ng buhay si Mi­chael. Kasong reckless impru­dence resulting in damage to property with homicide at multiple physical injury ang kinakaharap ngayon ni Paguirigan.

 

vuukle comment

ACIRC

ADELITA CAPATIAN

ANG

BLADIMIR RABINO

BRGY

CASA MILAN SUBDIVISION

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH MEDICAL CENTER

DON MARIANO AVENUE

DON MARIANO MARCOS AVENUE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with