^

Metro

Binata patay sa lasing

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang binata makaraang saksakin ng lasing na lalaki na nagalit matapos niyang sitahin habang nagwawala sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital ang biktimang si Alijah Nambong, 20, ng 19-A Ragang St., Bgy. Manresa ng lungsod.

Nadakip naman sa follow-up operation ang suspect na si Christopher Poyoan, 39, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ni SPO2 Julius Rempilo, sinabi umano ng testigong si Michael, barangay tanod at kapatid ng biktima na nagpapatrolya siya sa lugar nang madatnan niya ang suspect kasama ang ilang lalaki na nagwawala dahil lasing.

Sinita ni Michael ang suspect na ikinagalit ng huli hanggang sa pagtulungang saktan ng mga huli ang una.

Ilang kapitbahay na nakakita sa pangyayari ang ipinagbigay alam ito sa biktima na agad namang rumesponde para tulungan ang kapatid subalit pagsapit sa lugar ay siya naman ang pinagbalingan at pinagsasaksak.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspect.

vuukle comment

A RAGANG ST.

ALIJAH NAMBONG

ANG

BGY

CHINESE GENERAL HOSPITAL

CHRISTOPHER POYOAN

ILANG

INIHAHANDA

JULIUS REMPILO

MANRESA

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with