^

Metro

Parak tinodas sa Caloocan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek malapit sa bahay nito sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si SPO1 Armando Garcia, 43, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 1, Caloocan City Police, residente ng Bgy. 142 Bagong Barrio ng nasabing lungsod. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa kalibre 9mm baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang Caloocan City Police sa mo­tibo ng pagpatay at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, alas-9:30 ng gabi habang nakatayo ang biktima malapit sa bahay nito sa panulukan ng Panday Pira at Tirona Sts., Bgy. 166, Bagong Barrio nang lapitan ng suspek na nakasuot ng kulay berdeng baseball cup at may dalang shoulder bag na itim.

Biglang kinuha ng suspek ang baril mula sa dala nitong bag at malapitang pinagbabaril  ang biktima na agad ding namatay.

Mabilis na tumakas ang suspek na sakay ng isang kulay itim na motorsiklo na hindi naplakahan.

Bubusisiin ng pulisya ang nakakabit na CCTV camera sa lugar dahil posibleng nakuhanan ang insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMANDO GARCIA

BAGONG BARRIO

BGY

BIGLANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

PANDAY PIRA

POLICE COMMUNITY PRECINCT

TIRONA STS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with