^

Metro

Siningitan na, pinatay pa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang tsuper ma­tapos itong saksakin ng alalay ng naka-argumento nitong driver dahil lamang sa away sa trapiko, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Manuel Mar­tinez, 38, ng Bagumbong, Ca­­loocan City sanhi ng tinamong   malalim na saksak sa dibdib buhat sa isang patalim.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya  hinggil sa insidente.

Ayon sa pagsisiyasat ng Homicide Investigator ng Pasay City Police na si P03 Reynaldo Wangi, naganap ang insidente alas-12:20 ng madaling araw sa Northbound lane  ng  panulukan ng Libertad St., at Taft Avenue ng naturang siyudad habang pinapasada ng biktima ang kanyang jeep na may plakang CFA-994 nang biglang dumaan ang isa pang jeep na nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko.

Dahilan upang magalit ang biktima at komprontahin nito ang driver na nangharang sa kanya. Sa kainitan ng away ng dalawa, isang lalaking alalay ng sumingit na driver ang bumunot ng patalim at inundayan ng saksak ang  biktima, dahilan upang duguan itong bumalagta.

Kaagad na dinala ang biktima sa nasabing pagamutan ng ilang taong naroroon, subalit hindi na ito umabot ng buhay at ang mga suspek naman ay mabilis na tumakas matapos isagawa ang pananaksak.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HOMICIDE INVESTIGATOR

LIBERTAD ST.

MANUEL MAR

NBSP

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

REYNALDO WANGI

TAFT AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with