^

Metro

2 biktima ng ‘Basag kotse’ sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muli na namang umatake ang kilabot na ‘Basag kotse gang’ sa lungsod Quezon, matapos mabiktima ang sasakyan ng isang empleyado ng ABS-CBN at isa pang babae, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police Community Precinct 4 ng Station 10, ang biktima ay nakilalang sina Vince Rodriguez, 42, head ng Sports and Action channel ng ABS-CBN at residente sa Gilmore Town Homes, Granada St., Brgy. Valencia.

Natangay kay Rodriguez ang isang Macbook air P70,000, isang external hard Drive 1TB P5,000, at isang external hard drive 2TB P8,000.

Ayon kay PO1 Karl Hector Cruz, nangyari ang insidente sa may Scout Reyes kanto ng Mother Ignacia St., Brgy. Paligsahan, ganap na alas-9 ng gabi.

Bago ito, ipinarada ni Rodriguez ang kanyang Ford Ranger XLT (ZJN-304) sa naturang lugar, bago nagpunta sa may Planet Infinity Gym at iniwan ang sasakyan na nakakandado.

Ilang minuto ang lumipas, pagkabalik ng biktima sa kanyang kotse, napuna na lang nito na ang kanang salamin sa passenger seat na basag na at nawawala na rin ang nasabing mga gamit.

Samantala, napag-alamang hindi lang si Rodriguez ang nabiktima dahil isang Sedan na pag-aari ng isang Arlene Franco ang nadale rin sa may nasabing lugar at nakuhanan ng mamahaling laptop. Mayroon namang closed circuit television (CCTV) camera sa lugar pero hindi ito gumagana dahil ginagawa ang gusali kung saan ito nakasabit.

vuukle comment

ARLENE FRANCO

AYON

BRGY

FORD RANGER

GILMORE TOWN HOMES

GRANADA ST.

KARL HECTOR CRUZ

MOTHER IGNACIA ST.

PLANET INFINITY GYM

QUEZON CITY POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with