^

Metro

8 Little City Halls sa Valenzuela, itinayo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May kabuuan nang walong “little city halls” ang naitayo sa mga matataong lugar sa Valenzuela City makaraang dalawang pang 3S Centers ang maitatag sa Brgys. Karuhatan at Malanday kamakailan.

Pinangunahan ni Mayor­ Rex Gatchalian ang pagpapasinaya sa dalawang 3S Centers (Sentro ng Sama-Samang Serbisyo) nitong Pebrero 14 bilang bahagi ng selebrasyon ng kanilang 17th Charter Day.

Layon umano ng mga little city halls na ilapit sa mga residente ang kanilang serbisyo kahit hindi na magtungo sa main city hall.

Nakalaman sa mga little­ city hall ang isang “rescue satellite station”, fire sub-station, police community precinct, social welfare and development office, health station, day care center, multi-purpose hall, at bagong barangay hall­.

Unang nagtayo ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng mga little city halls sa Brgys. Polo, Bagbaguin, Dalandanan, Lawang Bato, Parada, at Punturin.

Sinabi ni Gatchalian na bahagi ng programa nilang desentralisasyon ng mga serbisyo ang pagtatayo ng mga 3S Centers at upang mabilis na makaresponde ang pamahalaang lokal sa pagtama ng mga kala­midad.

vuukle comment

BAGBAGUIN

BRGYS

CHARTER DAY

CITY

LAWANG BATO

REX GATCHALIAN

SAMA-SAMANG SERBISYO

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with