^

Metro

Usisero utas sa saksak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi inakala ng isang lalaki na ang kanyang pagiging usisero ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan nang pagbalingan ng galit at saksakin  ng isa sa tatlong lalaking nagtatalo, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktimang  inilarawan na nasa edad 30-35, 5’5’’-5’7’’ ang taas at moreno ang kulay.

Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District-station 11 sa tulong din ng ilang barangay tanod ang suspek na si Mario Abiniosa, 25, vendor, tubong Lanao del Norte, at residente ng Soler St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng madaling-araw sa #1552 Capitan Pepe Bldg. sa Sta. Cruz.

Habang nagtatalo ang tatlong lalaki na kinabibilangan ng suspek ay sinita umano ang biktima na noon ay napadaan lang sa kanilang harapan. Sinabihan umano ito kung bakit titingin-tingin sa kanila at hinamon.

Nauwi umano sa komprontasyon ang eksena sa pagitan ng biktima at suspek hanggang sa saksakin ang una sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nagawa pang makatakbo upang umiwas ng biktima subalit bumagsak din ito kaya sinaklolohan ng mga nakasaksi na isugod sa ospital.

vuukle comment

BERNARDO CAYABYAB

CAPITAN PEPE BLDG

CRUZ

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ABINIOSA

MAYNILA

SOLER ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with