^

Metro

Kelot itinumba ng 3

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki ang itinumba ng tatlong lalaki na pinaniniwalaang kakilala niya, makaraan lamang ang ilang minutong pakikipag-usap sa Bonifacio Drive, Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

 Inilarawan lamang ang biktima sa edad 25-30, may taas na 5’4’’, nakasuot ng itim na jacket, maong na pantalon at rubber shoes. Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang makita umano ang biktima na nakikipag-usap sa dalawang suspek sa Boni­facio Drive, malapit sa panulukan ng 11th St., Port Area.

Hindi nagtagal ay pinu­tukan ng baril ng isa sa dalawang suspek ang biktima at nagsitakbo na ang dalawa. Kahit nakabagsak na sa kalye ay may isa pang lalaki umanong dumating at mu­ling binaril ang biktima saka tumakas din.

Inaalam pa ang pagkilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen na pinani­niwalaang matinding atraso dahil siniguro na patay ang biktima bago iwanan.

vuukle comment

BONI

INAALAM

INILARAWAN

ISANG

KAHIT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with