^

Metro

Bagong laya, itinumba

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na nakauwi pa sa kanilang bahay ang isang 35-anyos na lalaki matapos lumaya sa kulungan ay pinagbabaril at napatay naman sa sinakyan nitong pedicab katabi ang kaniyang asawa sa Tondo,  Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Mario Pagaura, miyembro ng Sigue-sigue Sputnik gang, at residente ng  Temporary Housing, Tondo, bunga ng tama ng bala sa leeg.

Sa ulat  ni  SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa Capulong St., Tondo.

Noong nakalipas na Marso 4 lamang nadakip at nakulong ang biktima dahil sa iligal na droga subalit nang isalang sa inquest proceedings ay nagpalabas naman ng resolusyon ang Manila Prosecutors Office ng release order  “for further investigation” .

Nabatid na mula sa MPD-station 1 detention facility ay lumaya ang biktima na sinundo pa ng kaniyang asawa na si Edna Musni.

Sakay sila ng pedicab na   minamaneho ni  Federico Fulgencio, 62, at nagpahatid sa kanilang bahay ng sundan ng riding in tandem at dikitan ang pedicab bago pagbabarilin.

Hindi nasaktan ang driver at kinakasama nito.

May teoryang may kinalaman din sa pagtutulak ng droga ang pamamaril dahil habang tumatakbo umano ang pedicab ay hindi mapakali at palinga-lnga ang biktima sa nakitang sumusunod sa kanila.(Ludy Bermudo)

 

vuukle comment

CAPULONG ST.

EDNA MUSNI

FEDERICO FULGENCIO

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA PROSECUTORS OFFICE

MARIO PAGAURA

MILBERT BALINGGAN

TEMPORARY HOUSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with