^

Metro

2 biktima ng salvage sa Maynila

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang  natagpuan sa magkahiwalay na lugar, kahapon ng umaga sa Smokey Mountain sa Road 10 Vitas Tondo.

Hinihinala ng pulisya na balak pang itago ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang pagkakakilanlan ng isa sa biktima na inilarawan  na nasa edad 25 hanggang 35 anyos,  kalbo  at may tali ng kawad ng kuryente sa leeg na pinaniniwalaang  sinakal muna  bago sinunog nang buhay.

Sa imbestigasyong isinagawa ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Ho­micide Section, nadiskubre  ang  bangkay ng biktima bandang alas-6:40 ng umaga sa  Smokey Mountain sa Road 10, Vitas,Tondo.

Samantala, isang  lalaki rin ang natagpuang  lumutang sa ilog Pasig, sa likuran ng Post Office sakop ng Ermita  Manila, kahapon.

Ayon kay PO3 Dennis Turla, may hawak ng kaso  may  duck tape sa ulo, mukha, kamay at paa ang biktima.

Tadtad din ng saksak  ang harapang bahagi ng katawan ng biktima  na nasa edad 30 hanggang 35, balingkinitan at  may tattoo na ‘Sputnik’ at ‘Richard­’. (Doris Franche-Borja)

vuukle comment

AYON

DENNIS TURLA

DORIS FRANCHE-BORJA

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT-HO

POST OFFICE

SMOKEY MOUNTAIN

VITAS TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with