^

Metro

Suspect sa pagpaslang sa brgy. treasurer, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Timbog ang isang 42-anyos  na officer in charge (OIC) ng security sa National Power Corporation (Napocor) ilang oras matapos matukoy sa closed circuit television (CTTV) na siya ang huling tao na nagtungo sa bahay ng pinaslang na barangay treasurer sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inihahanda na ni PO3 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District-Homicide Section, ang kasong murder laban sa  suspek na si Gabriel Ambuyot security officer ng Agilex Security Agency Inc. na  nakatalaga sa Napocor building  sa Port Area, Maynila at residente ng Olivares Compound, San Dionisio, Parañaque City.

Nabatid na dakong alas- 4;30 ng hapon nang dakpin si Ambuyot sa Napocor na nasa tabi lamang ng Guwapotel sa Port Area.

Nag-ugat ang pagkaka-aresto sa suspek nang tawagan ni PO3 Cayabyab ang  kaibigan ng biktima na si Moonyen M. Soriano, 36, empleyado ng Manila Department of Social Welfare and Development (DSWD), upang magbigay ng kanyang nalalaman hinggil sa pagkamatay ng biktimang si Arlene Media­villa, 39, treasurer ng Brgy. 390 Zone 40, District. Ang biktima ay nadiskubreng nakahandusay at naliligo sa sariling dugo dakong alas-9:45 noong  Sabado sa loob ng kanyang bahay.

Ayon sa imbestigasyon, ang suspek ay karelasyon ng biktima. Madalas umanong mag-away ang dalawa nang magselos ang nasawi dahil dumating mula sa ibang bansa kamakailan ang nobya  ng suspek. Nakita sa CCTV na ang suspect ang huling kasama ng biktima bago ito natagpuang patay.

vuukle comment

AGILEX SECURITY AGENCY INC

ARLENE MEDIA

BERNARDO CAYABYAB

GABRIEL AMBUYOT

MANILA DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MOONYEN M

NAPOCOR

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with