^

Metro

Stude sugatan sa boga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 19-anyos na estudyante nang paulanan ng putok ng sumpak ng isa sa mga suspek na sakay ng isang tricycle sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jayson Caoili ng Sta. Cruz, Maynila bunga ng tinamong mga bala sa magkabilang braso at likod. Sa ulat mula sa tanggapan ni Supt. Aldrine Gran, hepe ng Manila Police District-station 3, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng M. Hizon at Oroquieta Sts., kung saan dinatnan ng mga suspek na sakay ng ’di naplakahang tricycle ang biktima  at isang Mark Anthony, 28, fire volunteer, na nakaupo sa  tapat ng kanilang bahay. Nagulat umano si Mark Anthony nang biglang may sumulpot na tricycle sa kanilang harapan at biglang preno sabay ng pagpaputok gamit ang sumpak ng isang kinilala  lamang umano sa alyas na “Punggoy” bago humarurot sa direksiyon ng Oroquieta north-bound. Agad namang dinala ni Mark Anthony ang biktima sa kalapit lamang na pagamutan.

vuukle comment

ALDRINE GRAN

CRUZ

HIZON

JAYSON CAOILI

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KASALUKUYANG

MANILA POLICE DISTRICT

MARK ANTHONY

MAYNILA

OROQUIETA STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with