^

Metro

Van vs motorsiklo: 1 patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider matapos na mabangga ng isang van ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Brgy. Nangka, Marikina City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Leofidel Iglesias Sarmiento, 30, ng San Mateo, Rizal.

Nasa kustodiya naman ng mga awtoridad ang driver ng van na si Rene Nazareno Casidsid, 48, ng Greenpark, Cainta, Rizal.

Dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa JR Rizal St. corner Saint Benedict St. sa naturang barangay.

Minamaneho ng biktima ang kanyang SYM motorcycle (4255 SG) habang sakay naman si Casidsid ng kanyang Fuso Canter van (UTD 807) nang magkasalubong ang mga ito at aksidenteng magkabanggaan.

Nahulog sa motorsiklo ang biktima habang ang kanyang sasakyan ay nakaladkad pa ng van may ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng banggaan.

vuukle comment

BRGY

CAINTA

FUSO CANTER

LEOFIDEL IGLESIAS SARMIENTO

MARIKINA CITY

RENE NAZARENO CASIDSID

RIZAL

RIZAL ST.

SAINT BENEDICT ST.

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with