^

Metro

Killer ng Koreana; Holdaper-rapist nang-agaw ng baril, dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagwakas ang buhay ni Mark Soque, ang na­arestong suspect na responsable sa serye ng panghoholdap, panggagahasa at pagpatay sa isang Koreana, ma­tapos tangkaing mang-agaw umano ng baril sa isang policewoman habang nasa inquest proceedings sa Hall of Justice sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Si Soque, 29, ay nagawa pang isugod ng mga awtoridad sa ospital, pero binawian din ng buhay, ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit. Nangyari ang insidente sa may 4th floor ng Hall of Justice ng city hall sa Brgy. Central  ganap na alas-11:25 ng gabi.

Bago ito, dinala ng tropa ng CIDU ang suspect sa lugar para sa inquest proceedings na may kaugnayan sa kasong robbery, robbery with homicide at rape, na kinakasangkutan nito.

Matapos ang inquest, habang binibitbit ng babaeng parak na si PO2 Juvy Jumuad, na nagsilbing escort ng suspect, bigla umanong tinangkang agawan ng baril ng huli ang una sanhi upang magpambuno ang mga ito. Sa kainitan ng agawan ng baril, aksidenteng pumutok ito at tinamaan si Soque sa baba na naglagos sa ulo. Nabatid na isang karatista ang pulis.

Naitakbo pa ito sa pagamutan subalit idineklara ring dead- on-arrival.

Matatandaang si Soque ay naging pa­ngunahing suspect sa serye ng pag-atake sa iba’t ibang business establishments kung saan pinaghuhubad at iginagapos nito ang mga biktima saka ikinukulong sa banyo, matapos limasin ang mga gamit at pera nito.

Si Soque rin ang itinuturong bumaril at nakapatay sa Koreana na si Mi Kyu Park at panghahalay sa tatlo pang biktima nito.

Tuluy-tu­loy naman ang pagtugis sa sinasa­bing isa pang kasamahan ni Soque sa krimen.

vuukle comment

CHIEF INSP

HALL OF JUSTICE

JUVY JUMUAD

KOREANA

MARK SOQUE

MI KYU PARK

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SI SOQUE

SOQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with