^

Metro

2 drug pusher arestado!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado sa mga awtoridad ang dalawang drug pusher sa isinagawang entrapment operation sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Insp. Perfecto Felix de Mayo ng Pasig Anti-IIligal Drugs Special Operation Task Group ang dalawang nadakip na sina Paulo Santana, 35 at Miller Mejia, 32 na ka­p­wa residente ng Julia Vargas
Avenue, Barangay Ugong, Pasig City.

Sa imbestigasyon ni PO1 Lodjie Cruz, nabatid na ang pagkakadakip sa dalawa ay naganap dakong alas-8:00 ng gabi sa tapat ng isang fast food restaurant sa Barangay Ugong sa lungsod.

Ayon sa report, nagkunwaring bibili ng droga sa da­lawang suspek ang isang asset ng pulisya at aktong ini-aabot nila ang nasa P1,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot nang dakmain ng mga awto­ridad.

Sa rekord ng Pasig police, nabatid na nasa ika-walong most wanted na drug suspek sa lungsod si Santana dahil sa talamak nitong pagbe­benta ng droga.

Sinasabing maraming beses ng nadakip ng mga awto­ridad si Santana at kapag nakalaya sa pamamagitan ng piyansa ay muling ipinagpapatuloy ang illegal na pagbebenta ng droga.

vuukle comment

BARANGAY UGONG

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK GROUP

JULIA VARGAS

LODJIE CRUZ

MILLER MEJIA

PASIG ANTI

PASIG CITY

PAULO SANTANA

PERFECTO FELIX

SANTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with