^

Metro

Dahil sa kalapati, tsuper tinodas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang tricycle driver nang barilin ng  sinasabing notoryus na holdaper nang tumanggi ang biktima na ibigay ang alaga nitong dalawang pangarerang kalapati, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Namatay noon din  dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilalang si Allan Sevillano, 32, ng Sitio Tibagan, Regalado Avenue, Quezon City. 

Nakatakas naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “ Ateng”, miyembro  ng notoryus na grupong “Panoy group”, na sangkot sa mga insidente ng panghoholdap, iligal na droga at carnapping.

Sa inisyal na ulat, naganap ang krimen dakong alas-3 ng hapon sa may Phase 2 Package 1 Brgy. Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at bitbit ang kanyang dalawang pangarerang kalapati patungo sa bahay ng kanyang kapatid sa Phase 8B Package 5 Block 6 Lot 3, ng naturang barangay nang harangin ng salarin at sapilitang kunin ang mga ibon.

Pumalag umano ang biktima kaya binaril ito ng suspek na mabilis na tumakas.

vuukle comment

ALLAN SEVILLANO

ATENG

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

NAKATAKAS

NAMATAY

QUEZON CITY

REGALADO AVENUE

SITIO TIBAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with