^

Metro

Ginang itinumba sa Quiapo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang 32-anyos na ginang  na binaril nang malapitan ng hindi pa nakilalang gunman, habang naglalakad sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga.

Agad  namang kinilala ng mga kaanak ang biktimang si Jennifer Sulayman, residente ng Basan St., Quiapo, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Kaswal lamang na naglakad papalayo ang suspek na inilarawan ng pulisya sa edad na 35, may taas na 5’5’’, nakasuot ng kulay itim na jacket, maong pants at armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:40 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa tabi ng ilog Pasig sa Basan St., Quiapo.

Pauwi na umano sa bahay ang biktima nang biglang lumutang ang suspek sa kaniyang likuran at paputukan ng dalawang ulit ang una sa katawan. Duguan na itong humandusay.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen.

vuukle comment

BASAN ST.

BLANGKO

DUGUAN

GLENZOR VALLEJO

JENNIFER SULAYMAN

KASWAL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PASIG

PAUWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with