^

Metro

Apo ng kongresista huli sa droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y apo ni Cavite Congressman Elpidio Barzaga sa isinagawang ope­rasyon sa mismong bahay nito, sa Dasmariñas, Cavite, kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat ni Atty.  Eric Isidoro, hepe ng  NBI-Anti Illegal Drugs Unit,  dinakip ang suspek na si  Harrel Barzaga, 39; at ang apat na iba pa kamakalawa  ng gabi.

Bitbit ng operatiba ang search warrant nang maaktuhan ng mga ito ang grupo ni Barzaga na gumagamit ng shabu sa bahay nito sa Cavite. Aabot sa 9 na sachet ng shabu at iba’t-ibang drug paraphernalia ang nasamsam. Ang nasabing operasyon ay ikinasa matapos magreklamo  ang mga residente o kapitbahay ni Barzaga kaugnay sa gabi-gabi umanong panggugulo nito at mga katropa.

Maiingay umano at pinaghinalaang nagdo-droga kaya nag-aplay ng search warrant­ para mapasok ang nasabing compound.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerou Drugs Act of 2002 laban sa  mga suspek na nakapiit sa NBI detention facility­. Hindi pa ibinibigay ang mga pagki­lanlan ng iba pang suspek.

vuukle comment

BARZAGA

CAVITE

CAVITE CONGRESSMAN ELPIDIO BARZAGA

DRUGS ACT

DRUGS UNIT

ERIC ISIDORO

HARREL BARZAGA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with