^

Metro

2 carjacker patay sa shootout

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang hindi pa nakikilalang carjacker makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng QCPD Anti-Carnapping Unit (DACU) matapos nilang tangayin ang isang motorsiklo sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay QCPD Director Chief Supt. Joel D. Pagdilao, dakong alas-11:30 ng gabi  nang maganap ang insidente sa Ciudad Verde, Greater Fairview, Quezon City.

Bago ito, tinutukan ng baril ng dalawang suspek si Michelle Libre ng Greater Fairview at sapilitang tinangay ang sinasakyan nitong motorsiklo na Suzuki Raider (3541 ON) sa may Regalado Avenue.

Nabatid na agad na naialarma ang naturang insidente. Tiyempo naman na nasabat sa isang checkpoint ang mga suspect na pinapara ng mga pulis, subalit imbes na huminto ay pinaharurot ang tinangay na motorsiklo.

Nagkaroon pa ng ilang minutong habulan kung saan pinaputukan ng mga suspect ang humahabol sa kanilang mga pulis.

Napilitan namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinasawi ng mga suspect.

Kinilala naman ng biktima na si Libre na sumugod sa crime scene na ang mga suspek ang tumangay sa kanyang motorsiklo na Suzuki Raider.

Bukod sa nabawing motorsiklo ni Libre ay nakumpiskahan pa ng dalawang .38 kalibre ng baril ang dalawang nasawing carjacker.

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING UNIT

CIUDAD VERDE

DIRECTOR CHIEF SUPT

GREATER FAIRVIEW

JOEL D

MICHELLE LIBRE

QUEZON CITY

REGALADO AVENUE

SUZUKI RAIDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with