^

Metro

4 na palapag na bahay, gumuho dahil sa kalumaan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang apat na palapag na bahay na may naninirahang 40 pamilya ang gumuho dahil sa kalumaan sa may NIA Road, Brgy. Pinyahan, lungsod Quezon, kahapon.

Ayon sa barangay tanod na si Renato Lusong, alas-8 ng umaga nang simulang palabasin ng kanilang barangay kagawad na si Jonathan Burse ang mga naninirahan sa nasabing bahay matapos na matuklasan ang mga bitak sa semento at unti-unting pagguho nito.

Sabi ni Lusong, bago ito, aksidenteng natuklasan anya ng kanilang mga kasamahan ang mga na­sabing senyales nang pagguho matapos na ru­mesponde sa lugar, dahilan para ipatawag si Ka­gawad Burse at magsagawa  ng inspeksyon.

Matapos na palabasin ang mga residente, agad na kinordon ang paligid ng gusali at makalipas ang alas-12:30 ng tanghali ay parang naupos na kan­dilang gumuho ito.

Dagdag ni Lusong, ang apat na palapag na nasabing bahay ay matagal nang panahong nakatayo sa lugar kung saan natukoy ang may-ari nito sa alyas na “Batang”. Gawa lamang ito sa kahoy at may kakaunting pundasyong semento, pero dahil sa kalumaan ay hindi na rin nakayanan at bumigay.

Wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing pagguho.

vuukle comment

AYON

BATANG

BRGY

DAGDAG

GAWA

ISANG

JONATHAN BURSE

LUSONG

RENATO LUSONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with