^

Metro

Paslit patay sa bundol ng jeep

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 9-anyos na batang lalaki makaraang mabundol at makaladkad ng isang rumaragasang pampasaherong jeep, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Mark Daniel­ Martinez, ng Mabini St., ng naturang lungsod. Agad namang nadakip ang suspek na si Joseph Misola, 29, ng Dagat-Dagatan Avenue, Kawal St., ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, papatawid ang biktima sa may A. Mabini St. sa may 5th Avenue nang mabundol ng jeep na ipinapasada ni Misola dakong alas-3:15 ng hapon.

Makaraang mabundol, napa­ilalim pa sa jeep at nakaladkad ang paslit na dahilan ng matinding pinsala at agad na pagkasawi nito.

Agad namang sumuko sa mga rumespondeng barangay tanod at pulis ang nakabundol na tsuper na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

DAGAT-DAGATAN AVENUE

JOSEPH MISOLA

KAWAL ST.

MABINI ST.

MAKARAANG

MARK DANIEL

MISOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with