^

Metro

MTPB enforcer timbog sa kotong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isa sa dalawang  tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na positibong ituro ng kanilang biniktima kamakalawa   ng tanghali sa tapat mismo ng Manila City Hall.

 Agad na dinakip si Gilbert Rodriguez, 42 ng no. 1739 Velasquez St. Tondo, Maynila nang positibong ituro ng biktimang si Earl Dulay.

Ayon kay Manila Action and Special Assignment (MASA) chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. nagtungo sa kanyang tanggapan si Dulay hinggil umano sa pangongotong ni Rodriguez at isa pang enforcer na nakilalang si Joselito Angeles. Hindi na makita si Angeles nang magsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng MASA.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-11:40 kamakalawa ng tanghali kung saan  nagkamali  umano ng daan si Dulay  na dahilan naman upang sitahin umano siya ng traffic enforcer na si Rodriguez.  

Napag-alamang kumuha lamang ng entrance exam si Dulay sa Mapua Institute of Technology at pauwi na ng La Union nang malito ng lane.

Sa pagsisiyasat naman ni   PO2 Christopher Razon,  sinabihan  ni  Rodriguez  si Dulay na sa kanila na lamang bayaran ang P2,000 upang  hindi na maabala at sila na ang magpapasok sa city hall lalo pa’t half day lamang ito.

Sinubukang tumawad ni Dulay hanggang sa magkasundo sa P1,600. 

Makalipas ang ilang minuto ay nagtungo si Dulay sa city hall subalit laking gulat niya nang malaman na walang pasok ang cashier. Dito na nagreklamo si Dulay sa tanggapan ng MASA.

 Mabilis namang inatasan ni Irinco sina Razon,  SPO1 Adolf Tagufa at PO2 Norvin Labnao upang  puntahan ang lugar kung saan muling nakitang nagmamando si Rodriguez. Dito na dinakip ang traffic enforcer at sinampahan ng kasong robbery extortion sa piskalya.

 

vuukle comment

ADOLF TAGUFA

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

CHRISTOPHER RAZON

DITO

DULAY

EARL DULAY

GILBERT RODRIGUEZ

JOSELITO ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with