^

Metro

Bubong ng tricycle nilipad, rider na ginang, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 47-anyos na ginang makaraang ka­samang matangay ng lumipad na bubungan ng sinasakyan nitong tricycle sa Navotas City. 

Nasawi dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan ang biktimang nakilalang si Jennelyn Ignacio Tarrayo, residente ng Brgy. Tanza, ng naturang lungsod.

Nadakip at sinampahan na ng kasong homicide through reckless imprudence sa Navotas Prosecutor’s Office ang tricycle driver na si John Milky Dela Cruz Valencia, 18, ng Ilang-Ilang Dulo, Brgy. Tanza,  ng naturang lungsod. 

Sa naantalang ulat ng Navotas Traffic Enforcement Unit na ipinadala sa Northern Police District (NPD), naganap ang insidente sa may Sampaguita St., Brgy. Tanza dakong alas-11:30 ng umaga. Nabatid na naka-backride sa tricycle (1039 NV) ni Valencia si Tarrayo nang biglang liparin ng hangin ang bubungan ng tricycle at kasamang natangay ang biktima.

Agad namang isinugod ang biktima sa Tondo General Hospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay.

vuukle comment

BRGY

ILANG-ILANG DULO

JENNELYN IGNACIO TARRAYO

JOHN MILKY DELA CRUZ VALENCIA

NAVOTAS CITY

NAVOTAS PROSECUTOR

NAVOTAS TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

NORTHERN POLICE DISTRICT

SAMPAGUITA ST.

TANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with