^

Metro

Bus nagliyab sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga motorista at commuters nang magliyab ang isang pampasaherong  bus kahapon ng hapon sa may EDSA, Ayala flyover north-bound, Makati City.

Masuwerte namang walang nasugatan sa insidente dahil mabilis na nakababa ang mga pasahero bago pa man kumalat ang apoy.

Sa inisyal na report mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) metro base, lumitaw na alas-4:45 ng hapon nang biglang magliyab ang likurang bahagi ng Manross Liner bus na may plakang UVB-618 na minamaneho umano  ng isang nakilalang Michael.

Naging maagap naman ang pagresponde ng mga pamatay-sunog at alas-5:25 ay tuluyan na rin naapula ang apoy.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng pagliyab.

vuukle comment

ALAS

APOY

AYALA

MAKATI CITY

MANROSS LINER

MASUWERTE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAGDULOT

PATULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with