^

Metro

‘Akyat-bahay’ huli sa akto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Huli sa akto ang isang kawatan na miyembro ng ‘Akyat-bahay gang’ matapos magsisigaw ang biktima nito sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa Marikina police detention cell ay nakilalang si Adrian Estopare, 18.

Nakatakas naman ang kasama ni Estopare na si Jonald Pascual, 18.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles Paquing, ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Marikina City Police, nabatid na dakong alas-5:00 ng umaga nang akyatin at pasukin ng mga suspek ang tahanan ng isang ginang na nakilalang si Maricris Habal, 40, ng Sitaw St., Libis Bulelak, Brgy. Malanday, sa lungsod.

Ayon kay Maricris, nagising siya dahil sa narinig na may naghahalughog sa kanyang kabilang kuwarto kaya sinilip niya ito.

Nang mabatid ni Maricris na ibang tao ay agad na nagsisigaw ito ng saklolo at mabilis namang nagresponde ang kanyang mga kapitbahay.

Nagtatakbo palabas ang dalawang suspek na nagresulta sa pagkakadakip ng isa sa kanila habang nakatakas naman ang isa pa.

vuukle comment

ADRIAN ESTOPARE

CHARLES PAQUING

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

JONALD PASCUAL

LIBIS BULELAK

MARICRIS

MARICRIS HABAL

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

SITAW ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with