^

Metro

Lolo itinumba sa QC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maghahatid lamang sana ng apo sa eskwelahan ang isang lolo, ngunit siya ang ihahatid sa huling hantungan matapos tambangan ng dalawang kalalakihan sa lungsod ng Quezon ngayong Lunes ng umaga.

Iba't ibang tama ng bala sa katawan ang ikinamatay ng biktimang si Reynaldo Gile, 63.

Base sa pangunang imbestigasyon, sakay ng L-300 van (RJL-776) si Gile nang ihatid niya ang kanyang apo sa paaralan bandang 6:35 ng umaga.

Pinagbabaril ang biktima nang mapadaan sa  panulukan ng Quirino Highway at kalye ng San Francisco sa Barangay San Bartolome.

Ayon sa mga testigo, dalawang gunman ang pumaslang kay Gile na nakasugot ng helmet kaya hindi nakilala.

Ligtas ang apo ng biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN BARTOLOME

LIGTAS

MAGHAHATID

PATULOY

PINAGBABARIL

QUEZON

QUIRINO HIGHWAY

REYNALDO GILE

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with