^

Metro

Binata inatake sa puso habang tulog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natagpuang wala ng buhay ang isang 21-anyos na binata na hinihinalang inatake ng kaniyang sakit sa puso habang natutulog, sa loob ng boarding house sa Ermita, Maynila, kahapon ng tanghali.

Ang biktimang si Jim Carlo Magdangal, na namamasukan sa isang cellphone repair shop ng kaniyang kapatid sa loob ng Robinson’s mall, ay nadiskubreng patay alas 11:20 ng tanghali kahapon ng kaniyang kapatid na babae.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, unang inakala lamang na natutulog pa ang biktima subalit sa pagkanganga nito ay hindi na natitinag kaya nilapitan at nadiskubreng wala ng pulso.

Posible umanong nahirapang huminga ang biktima kaya nakabuka ang bibig nito na sinasabing noong isang taon pa ito na-detect na may sakit sa puso.

 

vuukle comment

BAUTISTA

BIKTIMA

ERMITA

ISANG

JIM CARLO MAGDANGAL

KANIYANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

NATAGPUANG

POSIBLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with