^

Metro

Lalaki nag-suicide dahil sa sakit

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nagpatiwakal ang isang lalaki na sinasabing may tuberculosis makaraang matagpuan ang bangkay nito na may hiwa sa magkabilang pulso sa loob ng palikuran ng pinapa­sukan nitong kumpanya sa Malabon City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Teddy D. Silam, tauhan ng car naval at naninirahan sa #39 Upper Brookside, Baguio City.

Sa ulat ng Malabon City PNP, natagpuan ang bangkay ni Silam sa loob ng isa sa mga cubicle ng palikuran ng kanilang kumpanya sa Macanas St., Brgy. Pang­hulo sa naturang lungsod.

Kaagad na iniulat ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima sa mga opisyal ng barangay at pulisya.  

Sa pagsusuri ng mga ta­uhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nadiskubre na may sugat sa magkabilang pulso ang biktima na posibleng ang biktima ang may gawa.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga ka­trabaho ng biktima, nabatid na may tuberkulosis ito kaya nilalayuan siya ng mga ka­samahan.

Ikinasama rin ng loob ng biktima ang pagbubukod sa kanya sa pagkain at iba pang aktibidad.

Huling namataang buhay ang biktima nang magpaalam ito sa mga kasamahan sa trabaho at sinabing magtatapos na ang kanyang buhay. (Danilo Garcia)

 

vuukle comment

BAGUIO CITY

BIKTIMA

DANILO GARCIA

MACANAS ST.

MALABON CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SILAM

TEDDY D

UPPER BROOKSIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with