5 sa 16 na pumuga sa QC jail tiklo
MANILA, Philippines -- Naibalik na sa kustodiya Quezon City Police District ang lima sa 16 na pugante na pumuga kahapon.
Nakilala ang dalawa na sina Robert Lacaba at Benedicto Guinto na nasakote ilang oras lamang matapos silang tumakas sa Cubao police station.
Natimbog din ng mga awtoridad sina Rigor Alejandria, 30; at Thomas Evan Labutong sa magkahiwalay na operasyo.
Sumuko naman ang panlimang puganteng si John Patrick Dionido.
Pinaghahahanap pa rin ng mga awtoridad ang 11 pugante mula sa Police Station 7 (PS-7) detention cell.
- Latest