^

Metro

Jeepney driver, itinumba sa harap ng anak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay sa mismong manibela ng ipinapasadang  jeep ang isang 50-anyos na driver nang barilin sa ulo sa harap ng 9-taong gulang na anak, habang  nakaparada sa tapat ng Sto. Nino Church, sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si  Eleuterio Zarceno, ng Block 16 Lot 2 Phase 2,  Dagat-dagatan, Caloocan sanhi ng tinamong bala sa ulo. Hindi tukoy ang pagkakilanlan ng hindi nakilalang salarin na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO2 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:45 ng gabi ng maganap ang insidente sa harap ng nabanggit na simbahan sa Zamora  St., Tondo. Nabatid na habang nakaparada at naghihintay ng mga pasahero ang biktima, na katabi pa ang anak na babae ay biglang lumapit ang suspek at  agad na pinutuk an nang malapitan sa ulo ang biktima.

Napasubsob sa manibela at agad na nasawi ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naganap na krimen.

vuukle comment

CALOOCAN

DAGAT

ELEUTERIO ZARCENO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

MAYNILA

NABATID

NAPASUBSOB

NINO CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with