^

Metro

Barker utas sa parak na jeepney driver

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 48-anyos na barker nang barilin ng isang driver ng jeep na isa palang pulis, kaugnay sa panghahablot ng bag at pananapak ng una sa huli sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Nestor Obequias, alyas Bong, ng Padre Ortega St., Tondo.

Isinasailalim na sa inte­rogasyon sa Manila Police District-Homicide Section  ang suspek sa pamamaril na si SPO1 Resty Castillo,  nakatalaga sa Traffic Bureau ng Northern Police District-Navotas Police Station, resi­dente ng Lapu Lapu St., NBBS Boulevard, Navotas Metro Manila.

Sa ulat ni SPO1 Milbert Balinggan ng MPD-Homicide Section, dakong alas-7:30  ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng N. Zamora at Morga Sts., sa tapat ng simbahan ng Tondo.

Nabatid na si SPO1 Castillo ay nagsa-sideline bilang jeepney driver ng biyaheng Dagat Dagatan – Divisoria (TUJ-802).

Nang magbabaan na ang lahat ng  pasahero ay lumiko na ito para bumalik sa Navotas ang jeep subalit sumakay pa umano ang biktima sa tabi ni Castillo at biglang hinablot ang maliit na bag na pinag­la­lagyan ng kita ng driver.

Dahil sa hindi umano nakuha ang pera ay sinapak ng biktima ang driver sa bibig  hanggang sa mapilitang barilin ang biktima na tumama  malapit sa kanang kili-kili  na tumagos sa kaliwang bahagi ng likod.

Dead on the spot ang barker, habang ang driver na pulis ay kusa namang sumuko sa MPD-station 2.

 

vuukle comment

DAGAT DAGATAN

HOMICIDE SECTION

LAPU LAPU ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MILBERT BALINGGAN

MORGA STS

NAVOTAS METRO MANILA

NESTOR OBEQUIAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with