^

Metro

Kelot sinaksak sa party, kritikal

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kainuman kahapon ng madaling-araw sa Navotas City. 

Nakaratay ngayon sa Jose Reyes Hospital ang biktimang si Israel Reano, 53, ng #76 Judge A. Roldan Street, Daang-Bangko, Brgy. San Roque, ng naturang lungsod. 

Pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na kinilala sa alyas na “King Prin­cipe”, naninirahan sa may Gold Rock St., ng naturang barangay.

Sa inisyal na ulat, magdamag na nag-inuman si Reano at suspek sa may Judge A. Roldan St. dahil sa kaarawan ng una.

Subalit dakong alas-5:30 ng umaga ay nagtalo ang dalawa dahil na rin sa impluwensya ng alak hanggang sa naglabas ng patalim ang suspek at sunud-sunod na tinarakan ang biktima saka mabiis na tumakas dala ang armas. 

Agad namang na­tulungan ng mga nagising na kaanak si Reano at naisugod sa pa­gamutan kaya naiwasan ang pagkaubos ng dugo.  

 

vuukle comment

GOLD ROCK ST.

ISRAEL REANO

JOSE REYES HOSPITAL

JUDGE A

KING PRIN

NAVOTAS CITY

REANO

ROLDAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with