^

Metro

Call center agent nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang call center ang nagbigti gamit ang nylon cord sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PO2 Julius Raz, may-hawak ng kaso, ang biktimang si Raffy Cometa, 26, ay nagawa pang maitakbo ng kanyang pamilya sa ospital pero idineklara rin dead-on-arrival sa Fairview General Hospital.

Sa ulat, alas 11 kamakalawa ng umaga nang madiskubre ng kanyang tatay na si Mang Hercules ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto na nasa 2nd floor ng St. Joseph St., Bgy. Payatas A, sa lungsod.

Gigisingin sana ng kanyang tatay ang biktima para mananghalian nang mapuna nito ang pintuan na nakasara ng alambre.

Sa kabila ng ilang ulit na pagtawag sa biktima ay hindi ito tumutugon dahilan para puwersahing buksan ni Mang Hercules ang pinto at bumulaga sa kanyang harapan ang nakabiting katawan ng anak.

Blangko naman ang otoridad sa dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

 

vuukle comment

AYON

BGY

BLANGKO

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

GIGISINGIN

JULIUS RAZ

MANG HERCULES

PAYATAS A

RAFFY COMETA

ST. JOSEPH ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with