^

Metro

Rookie cop utas sa pamamaril

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang bagitong pulis habang isa pang lalaki ang sugatan nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagkukumpuni ang dalawa ng motorsiklo, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Idineklarang patay sa Mary Johnston Hospital sanhi sa maraming tama ng bala si PO1 Ronnie Dela Cruz, 30, at residente ng E. Mariano St., Brgy. Tangos, ng naturang lungsod.   Nagtamo naman ng tama ng bala sa kaliwang hita si Erickson Duque, 35.

Sa inisyal na ulat ng Navotas City Police,  abala ang dalawang biktima sa pagkukumpuni ng isang motorsiklo sa harap ng motor shop na pag-aari ng pulis dakong alas-3:30 ng hapon sa may Angeles Bldg. sa M. Naval St., Brgy. San Roque, sa naturang lungsod.  Dito biglang sumulpot ang hindi nakilalang salarin na agad na pinaputukan ang pulis habang nadamay naman si Duque.  Kaswal lamang umanong naglakad palayo ang salarin matapos ang pamamaril.

Narekober sa lugar ng krimen ang apat na basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.  Patuloy din naman na inaalam ang motibo ng pamamaslang upang makakuha ng lead sa mga taong nasa likod ng krimen.

 

vuukle comment

ANGELES BLDG

BRGY

ERICKSON DUQUE

MARIANO ST.

MARY JOHNSTON HOSPITAL

NAVAL ST.

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

RONNIE DELA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with