^

Metro

Mobile car binundol ng bus: 4 parak sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat na pulis ang nasugatan makaraang mabundol ang sinasak­yan nilang mobile patrol car ng isang rumaragasang bus habang ang sasakyan ng mga biktima ay nakaparada sa isang kalye sa kahabaan ng Edsa sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling- araw.

Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 1 ang mga biktima ay nakilalang sina PO3s Carlito Seneres, Rolando de Guzman, PO1s Christopher Bermejo, at Reynaldo Sarmiento, mga nakatalaga sa QCPD Station 1 mobile patrol unit.

Nasa kustodiya naman ng TS1 ang driver ng bus na si Marciano Sarito, 54, ng Cabuyao Laguna para sa imbestigasyon.

Ayon sa ulat ni PO2 Antonio Tabios ng TS1, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng EDSA, sa Balintawak, Brgy. Apolonio Samson, ganap na alas-12 ng madaling-araw.

Diumano, nakaparada ang sasakyan ng mga biktima sa lugar nang biglang tumbukin ang likurang bahagi ng ka­nilang mobile ng ruma­ragasang Golden Dragon bus na minamaneho ni Sarito.

Sa lakas ng impact, nayupi ang likuran ng mobile dahilan para magtamo ng mga sugat at galos ang mga sakay na pulis at masugatan.

Agad namang itinakbo sa ospital ang mga biktima at nilapatan ng lunas.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya.

vuukle comment

ANTONIO TABIOS

APOLONIO SAMSON

CABUYAO LAGUNA

CARLITO SENERES

CHRISTOPHER BERMEJO

MARCIANO SARITO

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

REYNALDO SARMIENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with