^

Metro

Vendor knockout, utas sa kasuntukang porter

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Na-knockout at nasawi ang isang 45-anyos na vendor sa kasuntukan nitong porter sa loob ng terminal ng bus sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Edeldario Rentura,  at stay-in sa Superlines bus terminal sa kahabaan ng EDSA, Brgy. Immaculate Concepcion  sa lungsod.

Agad namang nadakip ng pulisya ang suspect na si Marvin Dilanta, 32, ng Taytay Rizal.

Ayon kay PO2 An­thony Tejerero, may hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa  loob ng nasabing terminal ganap na ala-1:45 ng madaling-araw.

Sabi ni Rodigo Palero, brgy tanod, nirespon­dehan niya ang dalawa sa lugar matapos na ipagbigay-alam sa kanya ng ilang vendor ang hingil sa komosyong naga­ganap dito.

Mula dito ay nakita niya ang dalawa na nagsu­suntukan hanggang sa tangkain niyang awatin ang mga ito.

Subalit, bigla na lamang bumuwal ang biktima at nawalan ng malay.

Agad nilang iti­nakbo ang biktima sa East Avenue­ Medical Center subalit idineklara rin itong dead-on-arrival.

vuukle comment

AYON

BRGY

EAST AVENUE

EDELDARIO RENTURA

IMMACULATE CONCEPCION

MARVIN DILANTA

MEDICAL CENTER

RODIGO PALERO

TAYTAY RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with