^

Metro

Scavenger binistay ng bala

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang scavenger makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin habang ang una ay naka-istambay sa kalye malapit sa kanyang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa.?

Si Luisito Martinez, 22, ay nagawa pang maisugod sa ospital subalit idineklara din itong patay bunga ng tinamo niyang mga tama ng bala sa katawan, ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso.?

Blangko naman si Tejerero sa pagkakakilanlan ng salarin dahil wala sa mga residente ang gustong magsalita ukol dito.?

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng NIA Road, malapit sa corner ng Agham Road, Brgy. Pinyahan, ganap na alas 6:50 ng gabi.?

Ayon kay Michelle Quitoriano, kinakasama ng biktima, kasalukuyann siyang naliligo sa kanilang kubol malapit sa naturang lugar nang marinig ang malalakas na putok ng baril mula dito.? Sa takot nagtatakbo palayo si Quitoriano at makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na itong bumalik, kung saan nasalubong niya ang kinakasama na duguan at isinugod sa East Avenue Memorial Center.?

Nalagutan din ng hininga ang biktima sa ospital ganap na alas-7:20 ng gabi.?

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AGHAM ROAD

ANTHONY TEJERERO

AYON

BLANGKO

BRGY

EAST AVENUE MEMORIAL CENTER

MICHELLE QUITORIANO

SI LUISITO MARTINEZ

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with