^

Metro

Bus operator, itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang bus operator makaraang patraydor na pagbabarilin ng isang lalaki habang ang una ay nanonood ng basketball sa Brgy. Commonwealth, lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima ay kinilalang si Bonifacio Calvero, 53, at residente sa Brgy. Payatas sa lungsod.

Natukoy naman ang salarin na si Rolando Paa, 45, ng Ilocandia St., Brgy. Commonwealth na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may VV Soliven covered court na matatagpuan sa Soliven St., ng naturang barangay ganap na alas-10:20 ng umaga.

Sinasabing nakaupo ang biktima kasama ang isang Carlas­ Bisagre, barangay tanod sa lugar habang nanonood ng  basketball nang umalingawngaw ang mga putok ng baril sa kanilang likuran.

Duguang humandusay ang biktima at nang lumingon si Bisagre sa kanyang likuran ay nakita umano niya si Paa na nakatayo at may hawak na baril at nakatutok sa kanila.

Matapos nito, mabilis na tumakas ang suspect habang ang biktima naman ay pinagtulungang dalhin ng mga residente sa Fairview General Hospital, pero idineklara rin itong dead- on-arrival. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang sa biktima.

vuukle comment

ANTHONY TEJERERO

AYON

BONIFACIO CALVERO

BRGY

CARLAS

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

ILOCANDIA ST.

ROLANDO PAA

SOLIVEN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with