^

Metro

Mister lasog sa truck

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang mister nang salpukin ito  ng isang truck kamakalawa ng madaling araw sa Pasay City. Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Aguinaldo Bernardo Obrino, 42, ng 2nd St., NAIA Road, Pildera II ng naturang lungsod. Nakakulong naman sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Roby Baldo Calinawan, 42, isang kawani ng Beat Box, nakatira sa Brgy. Zapote 3, Las Piñas City, nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Ricky Murillo, ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-2:40 ng madaling-araw sa 2nd St., NAIA Road, Pildera II ng naturang lungsod habang papatawid umano ang biktima sa naturang lugar at siya namang paparating  ang isang Isuzu Forward Truck (RFB-275) na minamaneho ni Calinawan kung saan nasagasaan nito ang biktima. Kaagad na sinugod ang biktima ng rescue team sa naturang ospital, subalit hindi na ito nakarating ng buhay sanhi ng matinding pinsala na tinamo nito. Kaagad namang nadakip ng mga pulis ang suspek  hanggang  dinala ito sa himpilan ng pulisya at sinailalim na ito sa inquest proceeding sa Pasay City Prose­cutor’s Office.

vuukle comment

AGUINALDO BERNARDO OBRINO

BEAT BOX

ISUZU FORWARD TRUCK

KAAGAD

LAS PI

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY PROSE

PILDERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with