^

Metro

Sanggol iniwan sa CR

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gutom na gutom at umiiyak ang isang malusog na bagong silang na sanggol na babae nang matagpuan sa loob ng isang comfort room (CR) ng isang gusali sa Makati City kahapon ng umaga.

Ayon kay Inspector Mau Gutierrez, hepe ng Women and Children’s Complaint Desk ng Makati City, dakong alas-11:00 ng umaga nang matagpuan ang sanggol sa CR sa ground floor ng Solares Bldg. 1 na matatagpuan sa Dela Rosa St., Makati City.

Naglilinis ng CR ang janitress na nakilala lamang sa pangalang Cecil nang makarinig siya ng malakas na palahaw na iyak ng sanggol. Agad na hinanap at tinunton ni Cecil ang pinagmumulan ng iyak hanggang sa makita niya ang sanggol na nakabalot ng kulay puting lampin na nakalapag sa CR.

Nasa Ospital ng Makati ngayon ang sanggol at sumasailalim sa masusing
medical check-up.

Sa ngayon ay binubusisi na ng mga tauhan ng Makati police ang nakalagay na Close Circuit Television (CCTV) sa gusali upang mabatid kung sino ang walang pusong ina na nag-iwan sa sanggol.

vuukle comment

AYON

CLOSE CIRCUIT TELEVISION

COMPLAINT DESK

DELA ROSA ST.

INSPECTOR MAU GUTIERREZ

MAKATI

MAKATI CITY

NASA OSPITAL

SOLARES BLDG

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with