Bagong silang na beybi, itinapon sa basurahan
MANILA, Philippines – Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa isang tambak ng mga basurang prutas sa isang palengke sa Brgy. Tandang Sora lungsod Quezon, kahapon.
Ang nasabing sanggol na nakabalot lamang ng tela at mayroon pang pusod sa tiyan nang matagpuan sa kumpol ng mga bulok na prutas ng isang Cherry Amurin sa may Tandang Sora Market sa Visayas Avenue, sa lungsod ala-1 ng madaling araw.
Agad na itinurn-over ang sanggol sa pangangalaga ng Brgy. Bahay Toro, kung saan malapit ang nasabing palengke.
Ayon kay Victoria Berza, desk officer ng Violence Against Women and Children’s ng Brgy.Hall ng Bahay Toro, ilalagak ang naturang sanggol sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang disposisyon. (Ricky T. Tulipat)
- Latest